Lakbay Palay sa DA-PhilRice 2022 Wet Season: Bukid Tipid Tips Subukan!

 Palay ay Buhay! Naganap nitong Setyembre 15, 2022 ang Lakbay Palay sa Philirice Muñoz bilang parte ng Farmers Field Day na ginaganap every season kung saan nagkakaroon ng isang tinatawag na “OPEN FORUM” o bukas na talakayan sa pagitan ng ating magigiting na magsasaka at sa Philippine Rice Research Institute upang magkaroon ng bahagian ng kaalaman, karanasan at mga ideya na makakatulong sa bawat isa.

 Isang government corporate entity ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) na nilikha sa pamamagitan ng ng Executive Order 1061 noong 5 Nobyembre 1985 upang tumulong sa pagbuo ng mga teknolohiya na maaring makapagbigay ng mataas na ani sa murang halaga upang ang mga magsasaka ay makagawa ng sapat na bigas para sa lahat ng Pilipino. Bukod dito ay isang Agri Tourism ang PhilRice kung saan kanilang ipingamamalaki ang mga likhang rice paddy art na dinadayo ng iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang lugar.

 Walang katapusang suporta po ang handog ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa ating mga magigiting na magsasaka. Lubos din po ang pasasalamat ng ating Mayor kina USEC. Senior Domingo F. Panganiban, Senior Undersecretary ng DA; Dr. John De Leon, Executive Director ng PhilRice; Dr. Karen Eloisa T. Barroga, Deputy Executive Director for Development; Hon. Rosana “Ria” V. Vergara, Congresswoman, Nueva Ecija 3rd District Representative ng House of representative at a lahat ng dumalo sa nasabing Programa.

 Nais din pong ipaabot ng PhilRice na bukas po ang kanilang tanggapan para sa lahat. Maari po natin silang maabot sa numerong ito:  Tech Center ng PhilRice: 09171117423