Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa maunlad na lungsod at mamamayan.

 Wala ng mas gaganda pa sa isang lungsod na may kapayapaan at kaunlaran, kaya nitong Oktubre 14, 2022 ay ginanap ang paglulunsad ng revitalized KASIMBAYANAN na kumakatawan sa Kapulisan, Simbahan at Pamayanan. Sa programa ay naganap ang panunumpa ng katapatan at ang sermonya ng paglagda (MOA) sa pagitan ng mga dumalo. Kasunod ang pagbibigay ng mensahe ng pagsuporta mula sa mga Phillipine National Police, Local Government Unit, mga sektor ng relihiyon, at mga grupo ng adbokasiya laban sa krimen. Sila rin ay nangako na kusang loob nilang ibibigay ang kanilang sarili upang sumuporta at makibahagi sa hangarin ng revitalized KASIMBAYANAN Program.

 Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay  lubos po kaming nagpapasalamat sa ganitong programa na lubos na makakatulong sa pagpapaunlad at sa pagpapanatili ng tahimik at ligtas na lungsod.