Naganap ang paglunsad ng Rural Farm School (RFS) nitong Disyembre 13, 2022 sa ating Muñoz National High School (MNHS) Gymnasium. Sumasailalim ang RURAL FARM SCHOOL sa Republic Act 10618 kung saan ginagawa ang farm schools bilang isang parallel learning system at alternatibong paraan ng paghahatid ng secondary education na nararapat na kilalanin at pangasiwaan ng DEPED.

 Ikinatuwa po ng lahat ang pamamahagi ng samahang Alpha Phi Omega ng mga sombrero at sambra sa lahat ng dumalo. Ito ay nagsilbing maagang pamasko sa lahat. Dumalo din sa nasabing paglulunsad sina Konsehal Vincent Alvarez, Konsehal Rommel Abon. Dr. Dante G. Parungao, CESO V, Kapitan Eric Santiago at iba pa.

 Sa pangunguna po ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay gagawin po niya ang lahat ng kaniyang makakaya para makatulong sa DepEd, sa MNHS, at sa mga mag-aaral! Patuloy po nating isulong ang pagpapaunlad sa pag-aaral ng ating mahal na kabataan.