Masigasig na nakipagtalakayan ang ating minamahal na MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kasama ang ating VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ at ilang mga konsehal ng ating lungsod sa iba’t ibang Mayor ng iba’t ibang lugar upang makakalap ng iba pang mga ideya para sa patuloy na pagpapaganda at pagpapa-unlad sa ating minahal na lungsod.

 Bilang isang lungsod na may pagkakaisa at pagtutulungan ay buong pwersang nagtungo ang mga opsiyal nito upang mas makapagbigay nag walang katulad at natatanging sebisyo para sa mga mamamayan ng Science City of Muñoz.

 Ang naturang Day 2 Seminar-Workshop ay muling pinangunahan ni Mayor Michael L. Rama na siya ring Pangulo ng League of Cities of the Philippines (LCP).