Sa pagkakaisa ng ating Mayor Armi L. Alvarez at Vice Mayor Nestor L. Alvarez, kasama ng lahat ng ating mga konsehal at ilang department heads, itinalagang BIGGEST DELEGATION ang Science City of Muñoz para sa ginanap na kaunaunahang Convergence of Family Servants ng League of Cities of the Philippines (LCP) na idinaos sa Cebu City sa pamumuno ni Mayor Michael L. Rama na siya ring Pangulo ng LCP.

Nagkaroon ng oportunidad ang ating mga lider upang makipagtalakayan kasama ang mga opisyales mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.