Nangaabuso ka ba? Naku bawal yan! Naabuso ka ba? Alamin po ang inyong mga karapatan, sapagkat sa Muñoz hindi pinapalagpas ang ganyan!

Alam nyo po ba na ang sexual harassment ay isang klase ng paglabag sa karapatang pantao ng kahit sino. Malaki po ang epekto nito sa mga biktima lalo na sa aspetong pisikal at sikolohikal o psychological.

 Bilang isang babaeng matatag at mapagmahal sa kapwa ay hiling ng ating TITA MAYORA BABY ARMI ALVAREZ ang isang lungsod kung saan ligtas tayo sa pang-aabusong sekswal kung kaya’t sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz, sa pamumuno ng ating TITA MAYORA, sa Integrated Bar of the Philippines Nueva Ecija Chapter at Public Attorney’s Office, Talavera, Nueva Ecija ay ginanap ang LEGAL AID CARAVAN nitong Oktubre 19, 2022.

 LIBRENG LEGAL NA KONSULTASYON at Libreng Paghahanda at Notarization ng mga Simpleng Affidavit ang siya din pong hinandog ng LEGAL AID CARAVAN para sa mga empleyadong nakaranas ng sekswal na pang aabuso. Kaya huwag po kayong matakot, kung kayo ay nakaranas o nakakaranas ng sekswal na pang aabuso ay huwang po tayong magdadalawang isip na lumapit sa propesyonal.

Taos puso po kaming nagpapasalamat sa mga VOLUNTEER LAWYERS na siyang nagbahagi ng kaalaman patungkol sa sexual harassment ay ipinaliwanag ang Safe Spaces Act, Sexual Harassment Law, Grounds and Procedure on Administrative cases in the Civil Service, at Cybercrime.

 Hindi po kayo nag-iisa! Narito po kami upang kayo ay damayan. Anuman pong pagsubok ay ating malalagpasan!