Naganap ang isang Memorandum of Agreement Signing sa pagitan ng Central Luzon State University at Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, Ph.D. ngayong Hunyo 20, 2022 para sa eFarm (engaging FOOD AND AGRICULTURE RESOURCES MANAGEMENT) ACADEMY. Dumalo din ang ating MAYOR-ELECT ARMI L. ALVAREZ at Dr. JERRY RIGOS, City Agriculturist sa naturang aktibidad.

Ang programang eFARM ACADEMY na ipinatupad ng CLSU ay isang nakakaengganyong plataporma para ibahagi ang mga maunlad na teknolohiya ng agri-fisheries sa stakeholder, ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz, partikular na ang mga target na benepisyaryo tulad ng mga kooperatiba sa ating bayan.

May pangunahing tungkulin ang programang eFRAM ACADEMY sa pagpapakita ng mga pasilidad, paghahanda ng mga modular na kurso, at pagbuo ng flexible learning modalities para sa stakeholder sa teknolohiya ng pagkain at agrikultura na binuo ng CLSU.

Sama-sama at tulong-tulong tayo patungo sa mas maunlad at mas masaganang Muñoz! Kapit bisig tayo! Mabuhay ang Muñozonian!