Pagkakaisa para sa malinis at magandang lungsod!

 Isang Memorandum of Understanding ang naganap sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources- Environmental Management Bureau- Region III sa pangunguna nina Gem Vicencio, DENR Emb-R3 Environmental Monitoring Officer at Ace Inocencio, DENR Emb-R3 Environmental Monitoring Officer at nang ating Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating very active at mapagmahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at ng City Environment and Natural Resources Office sa pangunguna ni Engr. June Mico. Ang DENR, sa pamamagitan ng EMB ay nagmungkahi ng proyekto at naaprubahan sa CY 2022 budget hearing na magpapabuti sa koleksyon ng COVID 19 related healthcare wastes mula sa quarantine facilities, testing facilities, at vaccination sites na matatagpuan sa mga liblib na lugar kabilang ang small generators na hindi naseserbisyuhan ng transport, storage, at disposal facility.

 Sama-sama po tayo patungo sa patuloy na pagpapanatiling malinis at maganda ng ating mahal na lungsod agham! Mabuhay!