Malinis na Muñoz ay kaygandang pagmasdan! Sino ba naman ang ayaw ng lungsod na malinis at luntian? Sigurado kami na lahat tayo ay iyan ang nais, isang lungsod na kayganda at kaylinis. Kaya para makatulong na mapanatili ito ay sa pangunguna ng ating masigasig at masipag na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay naganap ang LGU, NGA/NGO CLEAN-UP DRIVE kung saan ang mga kawani ng ating Lokal na Pamahalaan at miyembro ng iba’t ibang organisasyon sa lungsod ay naglinis sa iba’t ibang barangay ng ating lungsod.

 Isang inspirasyon ang isang TITA MAYORA na siya mismong nangunguna sa paglilinis sa ating kapaligiran. Madumihan ay balewala ang mahalaga ay ang kaayusan ng kanyang mahal na bayan.

 Mga kababayan? Isang malinis na Muñoz ang ating nais diba? Kaya huwag ng magdalawang isip pa, maglaan ng oras at maglinis na! Tayo na, sama-sama nating panatilihing malinis ang ating lungsod agham!