Umalingawngaw ang tawanan at mga sigaw ng pagsuporta sa ating Gymnasium kung saan naganap ang huling laro sa ating LGU SCM Intercolor Friendship Games 2022 na FLAG RELAY OBSTACLE RACE nitong Oktubre 7, 2022 sa ating PNP Gymnasium.

 Ang laro ay may limang (5) MINI GAMES at isang (1) FINAL CHALLENGE kung saan ang flag ay dapat na madala sa final goal. BLUE, GREEN, MAROON, ORANGE, PURPLE, RED, YELLOW at WHITE ang mga kulay na naglabanlaban sa nasabing Obstacle Race.

 Naganap din ang laban ng mga LGBTQ sa larong Basketball kung saan ang TEAM A at TEAM B ay parehong nagwagi sa parehong puntos. Ang TEAM A ay binubuo ng Orange Team, Green Team, Red Team at Maroon. Samantala ang TEAM B ay binubuo naman ng Purple Team, Blue Team, Yellow Team at White Team.

Binabati po ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang lahat ng mga TEAM. Hindi po dito magtatapos ang kasiyahan at pagkakaisa sapagkat araw-araw natin itong isasapuso.