Go WHITE TEAM! Go BLUE TEAM! Go RED TEAM! Go MAROON TEAM! Hindi humadlang ang nagsasakitang mga kamay at katawan ng mga manlalaro na nagtunggali sa larong Volleyball ng LGU SCM Intercolor Friendship Game 2022 nitong September 22, 2022 sa PNP Gymnasium. Unang nagtunggali ang WHITE TEAM at BLUE TEAM kung saan nagwagi ang BLUE TEAM. Samantala, sumunod ang tunggalian ng RED TEAM at MAROON TEAM kung saan nagwagi naman ang RED TEAM.

 I-“Dribble” na ang ball sapagkat naganap din ang larong Basketball ng LGU SCM Intercolor Friendship Game 2022. Unang Nagtunggali ang WHITE TEAM at BLUE TEAM kung saan nagwagi ang WHITE TEAM. Dahil sa lakas ng ulan ay hindi natuloy ang tunggalian ng RED TEAM at MAROON TEAM.

 Labis po ang kasiyahan ng magkakabilang grupo at mga taga suporta nito sa naganap na laro. Binabati po ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang lahat ng nagwagi, nakiisa at patuloy na nakikiisa sa ating munting palaro.

 Magtutuloy ang palarong ito hanggang Setyembre 30, 2022 kung saan ang walong grupo ay muling magtutunggali sa mga larong Basketball, Volleyball at Obstacle Course Race.

 Inaasahan po namin ang patuloy na masaya, nagkakaisa at may disiplinang laro.