Patuloy ang tunggalian sa larong Volleyball ng LGU SCM Intercolor Friendship Game 2022 nitong September 23, 2022 ang ating magagaling na mga manlalaro ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at VICE MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, Ph.D. sa PNP Gymnasium. Unang nagtunggali ang GREEN TEAM at MAROON TEAM kung saan nagwagi ang GREEN TEAM. Samantala, sumunod ang tunggalian ng PURPLE TEAM at BLUE TEAM kung saan nagwagi naman ang BLUE TEAM.

“Time Out!” eka ni referee ngunit tuloy pa din ang kasiyahan sa naganap na larong Basketball ng LGU SCM Intercolor Friendship Game 2022. Unang Nagtunggali ang GREEN TEAM at MAROON TEAM kung saan nagwagi ang GREEN TEAM. Samantala sumunod ang tunggalian ng PURPLE TEAM at BLUE TEAM kung saan nagwagi ang PURPLE TEAM.

  Labis po ang kasiyahan ng magkakabilang grupo at mga taga suporta nito sa naganap na laro. Binabati po ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang lahat ng nagwagi, nakiisa at patuloy na nakikiisa sa ating munting palaro.

  Magtutuloy ang palarong ito hanggang Setyembre 30, 2022 kung saan ang walong grupo ay muling magtutunggali sa mga larong Basketball, Volleyball at Obstacle Course Race.

 Inaasahan po namin ang patuloy na masaya, nagkakaisa at may disiplinang laro.