Isang “Re-match” ang ginanap nitong Setyembre 27, 2022 sa pagitan ng PURPLE TEAM at BLUE TEAM sa larong volleyball ng LGU SCM Intercolor Friendship Game 2022 kung saan nagwagi ang BLUE TEAM.
Samantala, kasunod ng larong volleyball ay itinuloy naman ang naudlot na laban ng RED TEAM AT MAROON TEAM kung saan nagwagi ang RED TEAM.
Lubos po ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa lahat ng sumusuporta, nakikiisa at patuloy na nakikiisa sa ating FRIENDSHIP GAMES.
Ipagpatuloy po natin ang larong masaya, nagkakaisa at may disiplina!

