Kanya kanyang hampas sa bola ang magkabilang grupo na siyang nagtunggali sa larong volleyball ng LGU SCM Intercolor Friendship Game 2022 nitong September 21, 2022 sa PNP Gymnasium. Unang nagtunggali ang GREEN TEAM at ORANGE TEAM kung saan nagwagi ang GREEN TEAM. Samantala, sumunod ang tunggalian ng PURPLE TEAM at YELLOW TEAM kung saan nagwagi ang PURPLE TEAM.

 “Three points! Two points!” ang umalingangaw sa ating PNP Gymnasium sa naganap na larong Basketball ng LGU SCM Intercolor Friendship Game 2022. Unang Nagtunggali ang GREEN TEAM at ORANGE TEAM kung saan nagwagi ang ORANGE TEAM. Samantala sumunod ang tunggalian ng PURPLE TEAM at YELLOW TEAM kung saan nagwagi ang YELLOW TEAM.

 Labis po ang kasiyahan ng magkakabilang grupo at mga taga suporta nito sa naganap na laro. Binabati po ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang lahat ng nagwagi, nakiisa at patuloy na nakikiisa sa ating munting palaro.

 Magtutuloy ang palarong ito hanggang Setyembre 30, 2022 kung saan ang walong grupo ay muling magtutunggali sa mga larong Basketball, Volleyball at Obstacle Course Race.

 Inaasahan po namin ang patuloy na masaya, nagkakaisa at may disiplinang laro.