Hindi susuko sa laban ang mga manlalaro sa larong volleyball kaya’t ang mga taga supporta ng bawat partido ay todo cheer ng “Go Yellow! Go Blue! Go Maroons! Go Orange! Naganap po ang tunggalian ng ating mga magagaling na manlalaro sa larong VOLLEYBALL nitong Setyembre 28, 2022 sa ating PNP Gymnasium. Unang nagtunggali ang YELLOW TEAM at BLUE TEAM kung saan nagwagi ang BLUE TEAM. Samantala, sumunod ang tunggalian ng MAROON TEAM at ORANGE TEAM kung saan nagwagi naman ang ORANGE TEAM.

 Punong puno ng saya at pagkakaisa ang mga manlalaro at manunuod sa naganap na larong Basketball ng LGU SCM Intercolor Friendship Game 2022. Unang nagtunggali ang YELLOW TEAM at BLUE TEAM kung saan nagwagi ang YELLOW TEAM. Samantala, sumunod ang tunggalian ng MAROON TEAM at ORANGE TEAM kung saan nagwagi naman ang ORANGE TEAM.

 Binabati po ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang lahat ng nagwagi, nakiisa at patuloy na nakikiisa sa ating munting palaro.

Inaasahan po namin ang patuloy na masaya, nagkakaisa at may disiplinang laro.