Sabi nga ni John Maxwell, “Teamwork makes the dreamwork” kaya isang larong nagtutulungan ang nagaganap sa larong VOLLEYBALL sa LGU SCM Intercolor Friendship Games 2022. Nitong Setyembre 30, 2022 ay naganap nanaman po ang isang tunggalian ng ating magagaling na manlalaro sa ating PNP Gymnasium. Unang nagtunggali ang RED TEAM at ORANGE TEAM kung saan nagwagi ang ORANGE TEAM. Samantala, sumunod ang tunggalian ng YELLOW TEAM at WHITE TEAM kung saan nagwagi naman ang WHITE TEAM.

 Hindi susuko kahit pagod na at pawisan na ang mga manlalaro ng larong BASKETBALL sa ating LGU SCM Intercolor Friendship Games 2022. Unang nagtunggali ang RED TEAM at ORANGE TEAM kung saan nagwagi ang RED TEAM. Samantala, sumunod ang tunggalian ng YELLOW TEAM at WHITE TEAM kung saan nagwagi naman ang YELLOW TEAM.

 Binabati po ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang lahat ng nagwagi, nakiisa at patuloy na nakikiisa sa ating munting palaro.

 Sama-sama po nating panoorin ang tunggalian para sa FINALS ng GREEN TEAM at BLUE TEAM sa larong Volleyball sa Oktubre 5, 2022, samantala, GREEN TEAM AT YELLOW TEAM naman sa larong Basketball sa Oktubre 4, 2022 sa ating PNP Gymnasium. Kitakits po!

Inaasahan po namin ang patuloy na masaya, nagkakaisa at may disiplinang laro.