“We are the champions, my friends, And we’ll keep on fighting ’til the end, We are the champions”, sabi nga sa lyrics ng awitin na isinulat ni Freddie Mercury. Mga kababayan ikinagagalak po naming ibalita ang pagwawagi ng YELLOW TEAM bilang CHAMPION sa larong BASKETBALL sa LGU SCM Intercolor Friendship Games 2022, samantala nagwagi naman ang GREEN TEAM bilang 2nd Place, RED TEAM bilang 3rd Place at WHITE TEAM bilang 4th Place.

Manalo, matalo basta sama-sama at may pagkakaisa ay walang kasing saya. Hindi sa sa larong ito natatapos ang kasiyahan at pagkakaisa sapagkat mananatili ito sa puso ng bawat isa.

Lubos po ang saya ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ habang pinapanuod at masaya at nagkakaisang laro.

Nagpapasalamat po ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa lahat ng nakiisa at patuloy na nakikiisa sa ating LGU SCM Intercolor Frienship Games 2022. Mabuhay po ang lahat at muli binabati po naming ang mga nagwagi!