“Magpasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tayo’y binibigyan niya ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!”

-1 Mga Taga-Corinto 15:57

“Isigaw nang malakas ang ating panalo” eka nga ni EZ Mil kaya amin pong malugod na binabalita na nitong Oktubre 5, 2022 ay nagwagi ang GREEN TEAM bilang CHAMPION sa larong VOLLEYBALL sa LGU SCM Intercolor Friendship Games 2022, samantalang nagwagi naman ang BLUE TEAM bilang 2nd Place, WHITE TEAM bilang 3rd Place at ORANGE TEAM bilang 4th Place.

Manalo, matalo basta sama-sama at may pagkakaisa ay walang kasing saya. Hindi sa larong ito natatapos ang kasiyahan at pagkakaisa sapagkat mananatili ito sa puso ng bawat isa.

Lubos po ang saya ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ habang pinapanuod ang masaya at nagkakaisang laro. Nagpapasalamat po ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa lahat ng nakiisa at patuloy na nakikiisa sa ating LGU SCM Intercolor Frienship Games 2022. Mabuhay po ang lahat at muli binabati po naming ang mga nagwagi!