Hindi mo na kailangang magpa-“substitute” dahil lahat ay kasali sa saya sa LGU SCM Intercolor Friendship Game 2022. Naganap po ang tunggalian ng ating mga magagaling na manlalaro sa larong VOLLEYBALL nitong Setyembre 28, 2022 sa ating PNP Gymnasium. Unang nagtunggali ang GREEN TEAM at RED TEAM kung saan nagwagi ang GREEN TEAM. Samantala, sumunod ang tunggalian ng PURPLE TEAM at WHITE TEAM kung saan nagwagi naman ang WHITE TEAM.

 Sabi nga ni John Wooden, “What you are as a person is far more important than what you are as a basketball player.” Kaya paglabas sa court pagkakaisa pa din ang nangingibabaw sa naganap na larong Basketball ng LGU SCM Intercolor Friendship Game 2022. Unang Nagtunggali ang GREEN TEAM at RED TEAM kung saan nagwagi ang GREEN TEAM. Samantala sumunod ang tunggalian ng PURPLE TEAM at WHITE TEAM kung saan nagwagi ang WHITE TEAM.

 Labis po ang kasiyahan ng magkakabilang grupo at mga taga suporta nito sa naganap na laro. Binabati po ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang lahat ng nagwagi, nakiisa at patuloy na nakikiisa sa ating munting palaro.

Inaasahan po namin ang patuloy na masaya, nagkakaisa at may disiplinang laro.