Ang PANGATLONG TREE PLANTING ACTIVITY ngayong taon ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at pangunguna ni Engr. June M. Mico ng City Environment and Natural Resources Office ay ginanap ngayong Setyembre 15, 2022 sa Ospital ng Lungsod Agham ng Muñoz (OsLAM), Brgy. Rizal. Kabilang sa mga nagtanim ay mga kawani ng City Treasurer’s Office, City Assessor’s Office, City Civil Registry, City Library, City General Services Office, City Business Permit, Licensing and Franchising Office at City ENRO.

 Ang layunin po ng Annual Tree Planting Activity ay upang ipamalas ang kahalagahan ng pagtatanim at pag-iingat ng mga puno, ipahayag ang ating pagmamalasakit sa kapaligiran at pagmamahal sa ating lungsod at kamalayan sa climate change.

 Masusundan pa ang aktibidad na ito bukas sa ibang lugar ng lungsod. Ito ay dadaluhan ng mga kawani ng iba’t-ibang opisina ng Lokal na Pamahalaan.

 “Puno ay itanim, upang sariwang hangin ay anihin.”