Ang PANG-APAT NA TREE PLANTING ACTIVITY ngayong taon ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at pangunguna ni Engr. June M. Mico ng City Environment and Natural Resources Office ay ginanap ngayong Setyembre 16, 2022 sa City Materials Recovery Facility (MRF), Brgy. Rizal. Kabilang sa mga nagtanim ay mga kawani ng City Public Employment Service Office, City Cooperative Office, Department of the Interior and Local Government, City Disaster Risk Reduction & Management Office, City Social Welfare and Development Office, Liga ng mga Barangay at City ENRO.
Ang layunin po ng Annual Tree Planting Activity ay upang ipamalas ang kahalagahan ng pagtatanim at pag-iingat ng mga puno, ipahayag ang ating pagmamalasakit sa kapaligiran at pagmamahal sa ating lungsod at kamalayan sa climate change.
“Puno ay itanim, upang sariwang hangin ay anihin.”
