Ang PANGALAWANG ANNUAL TREE PLANTING ACTIVITY ngayong taon ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at pangunguna ni Engr. June M. Mico ng City Environment and Natural Resources Office ay ginanap ngayong Setyembre 9, 2022 sa Science City Memorial Park, Brgy. Catalanacan. Kabilang sa mga nagtanim ay mga kawani ng City Vice Mayor’s Office sa pangunguna ng ating VICE MAYOR NESTOR L. ALVAREZ,Ph.D., City Sangguniang Panlungsod, City Engineering Office, City Planning and Development Office, City Human Resource Management Office at City ENRO.
Ang layunin po ng Annual Tree Planting Activity ay upang ipamalas ang kahalagahan ng pagtatanim at pag-iingat ng mga puno, ipahayag ang ating pagmamalasakit sa kapaligiran at pagmamahal sa ating lungsod at kamalayan sa climate change.
Masusundan pa ang aktibidad na ito sa susunod na mga araw sa ibang lugar ng lungsod. Ito ay dadaluhan ng mga kawani ng iba’t-ibang opisina ng Lokal na Pamahalaan.
“Puno ay itanim, upang sariwang hangin ay anihin.”