Ang UNANG ANNUAL TREE PLANTING ACTIVITY ngayong taon ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at pangunguna ni Engr. June M. Mico ng City Environment and Natural Resources Office ay ginanap ngayong Setyembre 8, 2022 sa ating Science City Park. Kabilang sa mga nagtanim ay mga kawani ng Mayor’s Office, City Agriculture Office, City Veterenarian Office, City Budget Office, City Accounting Office, City Information Office, City Administration Office, City Public Order and Safety Office at City ENRO.

 Ang layunin po ng Annual Tree Planting Activity ay upang ipamalas ang kahalagahan ng pagtatanim at pag-iingat ng mga puno, ipahayag ang ating pagmamalasakit sa kapaligiran at pagmamahal sa ating lungsod, kamalayan sa climate change  at  mapaganda ang ating Science City Park upang itaas ang aktibidad ng turismo.

 Masusundan pa ang aktibidad na ito sa susunod na mga araw sa ibang lugar ng lungsod. Ito ay dadaluhan ng mga kawani ng iba’t-ibang opisina ng Lokal na Pamahalaan.

 “Puno ay itanim, upang sariwang hangin ay anihin.”