Nakatanggap ng isang parangal o ang 2019 National Anti-Drug Abuse Council Performance Award ang Science City of Muñoz Local Government Unit mula sa Department of Interior and Local Government Unit at Dangerous Drug Board para sa natatanging paggawa nito at pagsuporta sa anti-illegal drug campaign ng national government.

Matatandaang isa ang LGU Muñoz sa mga nakakuha ng may pinakamataas na puntos na may 95 functionality points noong kasagsagan ng 2018 ADAC Performance Audit.

Ipinakita ito ngayong ika-17 ng Pebrero taong 2020.