Isang paghahandog ang muling inihatid ng Lokal na Gobyerno ng Lungsod Agham ng Muñoz sa mga kabataang lalake na nais ng magpatuli, kung saan ito ay libre sa kani kanilang barangay. Ang nasabing libreng programa sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at ni Dr. Abigail P. Baret ay nagpatuloy ngayong July 3, 2020 sa barangay Calisitan, Rang-Ayan at Villa Santos. Ito’y isang pagpapatunay na sa kabila ng epidemyang Covid 19 ay patuloy pa din ang paglilingkod ng Lokal na Gobyerno ng Muñoz sa mga mamamayan nito.

Asahan ang pagdating ng nasabing libreng serbisyo sa inyong barangay. Para sa iba pang katanungan ukol dito maari kayong magtungo sa inyong barangay hall.

“Tuli ka na ba? Kung hindi pa ikaw ay maaring magpatala sa inyong barangay.”