Isang paghahandog ang muling inihatid ng Lokal na Gobyerno ng Lungsod Agham ng Muñoz sa mga kabataang lalake na nais ng magpatuli, kung saan ito ay libre sa kani kanilang barangay. Ang nasabing libreng programa sa panunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at ni Dr. Abigail P. Baret ay sinimulan ngayong June 18, 2020 sa barangay Sapang Cauayan, Villa Nati at Maragol. Ito’y isang pagpapatunay na sa kabila ng epidemyang Covid 19 ay patuloy pa din ang paglilingkod ng Lokal na Gobyerno ng Muñoz sa mga mamamayan nito.

Asahan ang pagdating ng nasabing libreng serbisyo sa inyong barangay. Para sa iba pang katanungan ukol dito maari kayong magtungo sa inyung barangay upang mabigyang sagot ang inyong mga tanong.

“Tuli ka na ba? Kung hindi pa ikaw ay maaring magpatala sa inyong barangay.”