Mga minamahal naming kababayan, isang masayang balita ang hatid sa inyo ng pamunuan ng Science City of Muñoz! Magagamit na po ang ating mga FREE WIFI sa lahat ng paaralan sa ating mahal na lungsod, sa ating Ospital ng Lungsod Agham ng Muñoz, Dialysis Center, Isolation Facility at sa ating City Hall.

Ang pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D. ay hangad ang lubos na pagtulong sa lahat ng mamamayan nito lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan ang pag-aaral o klase ay ginaganap online.

Sama sama po tayo sa unti-unting pag-abot nang ating pangarap na maging SMART CITY ang ating mahal na lungsod.