Limang Libo (Php 5,000.00) na Cash Assistance dagdag ayuda para sa mga magsasaka nating mahal!

 Malaking tulong ang CASH ASSISTANCE na ito para sa ating mga minamahal na magsasaka. Ang mga nabahaginan ay ang mga magsasaka natin na nakatala sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) na siyang may lupain na dalawang ektarya ang laki o mas maliit pa. Ito ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance Program (RCEF-RFFA) ng Department of Agriculture (DA).

 Pinangunahan po ng ating mapagmahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kasama si Dr. Jerry A. Rigos ng City Agriculture Office ang naganap na pamamahagi. Magbigay pugay po tayo sa mga magigiting nating magsasaka, mga bayani na siyang dahilan kung bakit may naihahain tayong kanin sa ating hapag kainan.