“Kailangang magkaisa upang maging ligtas sa lindol, sunog at sakuna”

 Upang maging handa sa lindol at sunog ay nagsagawa ang ating Bureau of Fire Protection (BFP), Science City of Muñoz Fire Station sa pamumuno ni SINSP CATALINO M. VALDEZ JR, Acting City Fire Marshal ng pagsasanay ng mga kawani sa Yunit ng Lokal na Pamalahalaan ng Science City of Muñoz na pinamumunuan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.

 Sa naganap na pagsasanay  ay itinuro kung paano lumabas ng gusali ng ligtas at kalmado kung may lindol. Ipinakita din ang mga nararapat gawin kung may mga kasama tayong nasaktan at nasugatan. Pagkatapos ng nasabing  pagsasanay ay nagsagawa ng isang mini seminar sa pag apula ng  apoy sa katawan tulad ng stop, drop and roll at sa loob ng bahay kung papaano apulahin ang apoy sa sunog na likha ng LPG. Ipinakita din ang rescue simulation exercise  ang mga ginagamit ng ating mga fireman at ng kawani ng CDRRMO sa pagliligtas sa ating mga kababayan.

 Ang pagsasanay ay dinaluhan ni Acting Provincial Fire Marshal CINSP CHRISTOPHER U.  LUMIWES. Ipinaaalala po ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at ng ating Bureau of Fire Protection (BFP) ang palagiang pag iingat at pagiging  handa para sa ating kaligtasan.

 Ating alamin ang dapat gawin!