Sama-sama tayo para sa kaunlaran.  Mabuhay ang mga kabataan! Mabuhay ang Lungsod Agham ng Muñoz!

Isang TREE PLANTING ACTIVITY ang ginanap ng mga Sangguniang Kabataan Chairmen at Local Youth Development Office noong Setyembre 2, 2022 sa Muñoz National High School Annex Compound.  Ito ay upang ipagdiwang ang LINGGO NG KABATAAN at International Youth Day kasama din ang Unang Sigaw ng Nueva Ecija na ipinagdiriwang tuwing ika 2 ng Setyembre.

Pinangunahan ang naturang aktibidad ng ating masigasig na MAYOR BABY ARMI L. ALVAREZ . Kasama din sina G. Ay-Mand Kaylle Miranda, SK Federation Chairman, G. Jonas Rigos, LYDO In-Charge, Engr. June M. Mico, CENRO at iba pang miyembro ng Sangguniang Kabataan ng lungsod.