Binibigyang pugay namin ang pagbabayanihan ng Purok Bukang Liwayway ng Brgy. Linglingay sa pagkakasemento ng kanilang humigit kumulang na 0.3 kilometrong kalsada. Nagtulung-tulungan ang mga residente, barangay tanod, at mga opisyales ng barangay para sa mas mabilis na pagsasaayos nito. Talaga namang nakakabilib ang pagtutulungan ng mga Pilipino lalo na sa panahon ng pandemya. Nagpapasalamat kami sa ating Punong Diakono na si Mr. Elizar Antolin para sa kanyang pagbabasbas.

Ang ating Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, PH.D., ay lubos na nagagalak na maging parte ng pagbabayanihan na ito! Kay Kapitan Benedicto A. Mendoza at Konsehala Marivel C. Miguel, saludo po kami sa inyo para sa pagdinig at pagsuporta sa ating mga kabarangay sa Purok Bukang Liwayway. Kasama din po natin ang ating mga volunteer na dumalo sa nasabing programa. Mabuhay po kayong lahat!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan