Umuulan ng pagpapala sa ating mahal na lungsod. Umpisa palang po ng taon mga kababayan ngunit biyaya na ang salubong sa ating mga minamahal na kababayan sapagkat nitong January 11, 2023 ay naganap ang pamamahagi ng LIVELIHOOD ASSISTANCE GRANT na nagkakahalagang Php 5,000.00 para sa 540 na benepisyaryo na siyang may maliliit na tindahan sa ating mahal na lungsod. Pinagunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating napaka aktibo at napaka sipag na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at ng ating City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na pinangunahan ni Ms. Gabriela Fernandez.

 Hindi po mabibigyang katuparan ang pamamahaging ito kung hindi sa pamamagitan ng ating napakaaktibong TITA MAYORA BABY ARMI at ng CSWDO. Mabuhay po kayo sa inyong pagpupursigi para sa ikabubuti ng ating mga kababayan at ikauunlad ng ating mahal na bayan.

 Mga kababayan dumadaan po sa masusing proseso ang pamimili mula sa DSWD Regional Office at CSWDO ng ating lungsod.