Ang Department of Social Welfare and Development Region III (DSWD) at ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz ay nagpamahagi ng Php10,000 sa 113 benipisyaryo ng Livelihood Assisstance Grant (LAG). Ang nasabing halaga ay isang tulong pinansyal para sa mga kwalipikadong benipisyaryo nang Sustainable Livelihood Program (SLP). Ito ay magagamit na kapital sa mga aktibidad na kahalili sa pagbuo ng kita ng mga benipisyaryong ang kabuhayan ay apektado ng pandemya.

Isinagawa ang pamamahagi sa Science City of Muñoz Pag-asa Gymnasium nitong Disyembre 17, 2020. Dumalo sa nasabing programa ang ating butihing Mayor Kgg. Nestor L. Alvarez, Ph.D., Kgg. Jerry S. Fulgencio at Kgg. Rodney S. Cabrera.