Ang Livelihood Assistant Grant 4 Payout na isinagawa nitong Setyembre 5, 2022 ay isa pong programa ng DSWD. Animnapung (60) benipisyaryo ng programang ito ang napagkalooban ng limang libong piso (Php5,000.00) bawat isa. Ang pagpili po ay dumaan sa masusing proseso mula sa DSWD Regional Office at CSWDO ng ating lungsod. Ito rin ay naglalayong tulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng pandemya na makabangon mula sa mga pagkalugi sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa kanilang bago o umiiral nang mga micro-enterprise o negosyo na proyekto.

Naganap ang naturang payout sa Multi-Purpose Building ng ating lungsod sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI L. ALVAREZ, Ms. Gabriela Fernandez, CSWDO at nina Mr. Frank Gregor Velayo, PDO II; Ms. Rose Anne Avelino, PDO II; Ms. Brenda Mendoza, PDO II; at Mr. Irvin John Alamon, PDO II ng DSWD Regional Office.