Nagpamahagi ang Office of the President sa pangunguna ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Tesoro Go ng limang libong piso (Php 5,000.00) sa 360 na benepisyaryo ng Livelihood Assistance Grants ngayong araw upang mabigyan ng tulong pangpinansyal ang ating mga minamahal na kababayan sa pagpapalago ng kanilang puhunan at negosyo.

 Ito po ay naisakatuparan sa pamumuno ng ating Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at sa pangunguna ni Ms. Myrna B. Estrada ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Dinaluhan ang nasabing programa ng ating Elected Mayor Armi L. Alvarez, Councillor Jerry Fulgencio at Elected Councillor Edmond Balmeo.

 Ang pagpili ng mga benepisyaryo ay nagsimula sa ating barangay na sinuri ng ating CSWDO at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Region 3 nang may sinusunod na mga batayan. Nagpapasalamat po kami sa DSWD – Region 3 sa pag-agapay na maisagawa ang programang ito para sa mga minamahal naming mga Muñozonian.

 Kasabay po nito ay ang pamamahagi rin ng sapatos, bike, at computer tablet para sa pa-raffle na handog ni Sen. Bong Go.