Limang libong piso (Php 5,000.00) bawat isa ang ipinamahagi ngayong araw sa 452 na benepisyaryo ng Livelihood Assistance mula sa Office of the President sa pangunguna ni SEN. CHRISTOPHER LAWRENCE “BONG” TESORO GO at ng kanyang kinatawan na si Mr. Leo Palo III.

Naisakatuparan ang pamamahaging ito dahil sa tiyaga at walang sawang paglilingkod  ng ating aktibong MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, Ph.D. at ng ating City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pamumuno ni Ms. Myrna B. Estrada.

Ang buong Pamahalaan ng Lungsod Agham ay lubos ang pagpapahalaga at pagsuporta sa mga ganitong programa sapagkat ito’y nakakatulong ng lubos sa ating mga kababayan.

Ang pagpili ng mga benepisyaryo ay nagsimula sa ating barangay at ito’y sinuri ng ating City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Region 3 ng may sinusunod na mga batayan.

Binabati din po namin ang mga kababayan nating nanalo ng sapatos , bike at computer tablet sa naganap na raffle hatid ni Sen. Bong Go.