Naganap ang pagpupulong ng LOCAL HEALTH BOARD nitong Oktubre 13, 2022 sa pangunguna ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kung saan ang Unang Isang Daang (100) ng Covid-19 Vaccination Status, ang kauna-unahan at matagal ng minimithing Ospital Ng Lungsod Agham Ng Muñoz na siyang akda ni Sen. JV Ejercito, Dialysis Center, Budget at Equipments ang isa sa mga pangunahing paksa.

Nagpapasalamat po kami sa lahat ng dumalo, nakiisa, nagbahagi ng mga ideya at opinsyon at nakipagtalakayan sa naganap na pagpupulong.

Mga kababayan amin po kayong hinihikayat na magpabakuna sapagkat totoo po ang kasabihan na “Prevention is better than cure”

Kapang bakunado ang mamamayan, ligtas ang bayan!