Nitong Oktubre 27, 2022 ay ginanap ang isang pagpuplong ng mga miyembro ng Local School Board sa pangunguna ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kung saan kanilang tinalakay ang Financial Statement hanggang September 30, 2022, DepEd Programs and Projects, Budget Proposal 2023 at iba pang mahahalagang paksa.

Patuloy at hindi matitibag ang Samahan ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at ng Department of Education Division Office -Science City of Muñoz sa pangunguna ni Dr. Dante G. Parungao, CESO V para sa ikabubuti ng ating mga minamahal na mag-aaral at para sa mga program at proyekto na siyang malaki ang maitutulong sa lalong pag-unlad ng serbisyo para sa mga ekswelahan at mag-aaral ng ating lungsod.