Katuwang ng Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamamahala ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang ating City Social Welfare Development Office sa pangunguna ni Ms. Myrna B. Estrada at ang ating City Treasurer’s Office sa pangunguna ni Ms. Rubelyn D. Cabrera sa pamamahagi ng LOCAL SOCIAL PENSION sa ating mga minamahal na Senior Citizen sa Brgy Bantug. May 170 na mga bago at 139 naman na dating senior citizen ang nakatanggap ng pension nitong Marso 21, 2022.
Isa ito sa madami at prayoridad na programa ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Mayor Alvarez kung saan sa abot ng makakaya ng pamahalaan ay mabigyan ng pension ang mga minamahal nating mga lolo at lola. Ang mga ganitong programa ay nagbibigay ng ngiti at saya sa ating mga kababayan.