Nagpapatuloy ang pamamahagi ng Local Social Pension sa tatlong libong (3,000) senior citizen at isang libong (1,000) Person With Disability (PWD) kung saan sila ay nakatanggap ng Php 1,500 bawat isang benepisyaryo para sa tatlong (3) buwan.

 Katuwang ng Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamamahala ni MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang ating City Social Welfare Development Office at ang ating City Treasurer’s Office sa pamamahagi ng LOCAL SOCIAL PENSION. Ang pamamahagi ay magpapatuloy sa iba’t ibang barangay na nakaschedule hangang Agosto 19, 2022.