Maagang Pasko ang naganap nang magpamahagi ng Php 3,000.00, relief goods, at hamon sa mga opisyal ng 37 barangay ng Pambansang Gobyerno at Lokal na Pamahalaan ng lungsod. Tumanggap din ang mga miyembro ng ASCOM TODA ng relief goods. Ang nasabing pamamahagi ay pinangunahan ni Kgg. Nestor L. Alvarez, Ph.D., Kgg. Rodney S. Cabrera, Kgg. Alexander Natividad, CLGOO Crismelito Catacutan at iba pang mga opisyal.