Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz ng isang libong piso (Php 1,000) at groceries para sa mga guro ng Elementary, Secondary at Senior High School (Public and Private), at mga kawani ng DepEd Division Office ngayong Disyembre 21, 2020 sa Science City of Muñoz PAG-ASA Gymnasium. Nanguna sa nasabing pamamahagi si Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., Coun. Rodney S. Cabrera, Coun. Jerry S. Fulgencio, ABC Alexander A. Natividad, CLGOO Crismelito R. Catacutan, Dr. Dante G. Parungao – Schools Division Superintendent-OIC, at mga empleyado ng City Treasurer’s Office at City Social Welfare and Development Office.