Isa sa mga proyekto ng programa ng 4Ps ay ang pagsasanay ng mga miyembro sa ibat-ibang pangkabuhayan tulad ng paggawa ng damit at pamimigay ng kinauukulang mga kagamitan para dito. Ang DSWD, Sustainable Livelihood Program, Skill Power Institute, at ang Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ay nagsanay sa pananahi ng dalampung miyembro ng Gabaldon Garments 4Ps Association sa pamumuno ni Rosela Abracia. Ang programang ito ay isang paraan upang makapag umpisa ang isang miyembro para sa isang matatag na buhay.
Ang 4Ps o tinatawag na Pantawid Pamilyang Pilipino Program at dating bangon Pamilyang Pilipino ay isang hakbang para mapabuti ang kalagayang pantao ng mga kabahayan upang maalis ang labis na kahirapan at gutom at upang makatulong sa edukasyon. Ito rin ay sumusuporta sa mga proyekto ng Millennium Development Goals.