Sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., ay nakipag-ugnayan ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa Philippine Red Cross, Nueva Ecija Chapter upang maisagawa ang pangmalawakang pagsusuri gamit ang saliva testing nitong ika-5 ng Marso 2021 para sa mga nagtitinda sa Meat Section, Fish Section, Groceries Section, Fruits & Vegetable Section, mga partidor, kargador, at mga empleyado ng  pampublikong pamilihan ng Lungsod Agham ng Muñoz.

Ayon kay G. Alex Shieldon, isang Registered Nurse mula sa Philippine Red Cross ng Nueva Ecija Chapter, ang Saliva Test ay isang madaling paraan nang pagkolekta  ng specimen dahil laway lamang ang kailangan sa pagsusuri upang malaman kung positibo ang isang tao sa Covid-19. Ayon din sa kanya, ang Saliva Test ay may 98.5% na kasiguraduhan.

Pinapaalalahanan ang lahat na magkaroon nang lubos na pag-iingat at sundin ang lahat ng health protocols. Makiisa tayo sa ating paglaban sa COVID-19! Alalahanin natin na ang buhay ng bawat isa ay nakasalalay din sa kung paano natin alagaan ang ating sarili. Ingat po mga kababayan!

#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ
#SerbisyongHandog