Mabuhay mga manlalangoy o “Swimmers” ng Science City of Muñoz mula sa Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa inyong kahusayan sa paglangoy!

 Naganap ang courtesy call o pagbibigay galang ng 11 na kabataang manlalangoy kasama ang kanilang coaches at mga guro, nitong Oktubre 6, 2022 sa ating minamahal na MAYORA.

Pangunahing paksa sa nasabing courtesy call ang pagkapanalo ng 11 na kabataan na naging kinatawan ng ating lungsod sa Central-Northern Luzon-CAR Swim Competition na ginanap sa Narciso Ramos Sports Complex sa Lingayen, Pangasinan nitong Oktubre 1-2, 2022. Narito po ang mga pangalan at mga parangal ng ating magagaling na manlalangoy:

Carlisle Jade Calleja

-Most Outstanding swimmer awardee -Gold
-Butterfly-Gold
-Kick-Gold
-Free Style-Silver
-Back Stroke-Silver

Kurt Daniel Garcia

-Breast Stroke-Silver
-Kick-Bronze

Finalist in various events:

-Rionah Kaleah Villarosa
-Reanne Keila Villarosa
-Bella Anjelina Esmero
-Paula Anjelika Esmero
-Rowan Klide Villarosa
-Rafael Klile Villarosa
-Justin Ely Garcia
-Kurt Daniel Garcia

 Sa pagtatamo ng mga karangalang ito ay magiging kinatawang muli sila ng ating lungsod sa Swimming Competition sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Tunay ngang kahanga hanga ang talento at kahusayan ng ating mga kababayan. Ipinagmamalaki po naming kayo!