Buong husay na nagpamalas ng galing ang mga mag-aaral sa Elementarya ng iba’t-ibang paaralan sa lungsod para sa isinagawang Mass Demonstration Competition.

Nilahukan ito ng DepEd CLSU Laboratory Elementary School, West Cluster Schools, Sapang Cauayan Elementary School, Maligaya Elementary School, Villa Santos Elementary School, Rizal & San Andres Elementary School, Munoz Central School, Bantug Elementary School at Villa Isla & Linglingay Elementary School.

Sa huli, itinanghal bilang 3rd place at nakapag-uwi ng ₱20,000 cash prize ang Munoz Central School, 2nd place ang Villa Isla at Mangandingay Elementary School na nag-uwi ng ₱30,000 cash prize at nakuha ng Maligaya Elementary School ang 1st place na nakapag-uwi ng ₱40,000 cash prize. Mag-uuwi naman ng ₱10,000 consolation prize each ang mga grupong hindi nanalo.

Sa programa, ginawaran ng Certificate of Recognition sina Ms. Jenny Girl F. Raymundo, Ms. Melissa N. Juico at Mr. Fredie B. Balajonda bilang miyembro ng Board of Judges ng isinagawang kompetisyon.

Naroon rin si Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D upang personal na igawad ang mga sertipiko at papremyo para sa mga nanalo. Pinangunahan naman nina Dr. Dante G. Parungao, CESO VI – OIC Schools Division Superintendent at Dr. Larry B. Espiritu – Chief ES, CID kasama ang mga kawani ng DepEd Munoz ang nasabing patimpalak.

Ginanap ito ngayong January 15, 2020 sa Science City Gymnasium bilang parte ng ating 7th Uhay Festival.