Sa tulong at pangunguna ng ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at ng lahat ng kapitan ng 37 Barangays ng Lugsod Agham ng Muñoz ay sinimulan ang  isang beses kada lingo na pagdiddisimpekta sa lahat ng barangay ng Lungsod upang paliitin o siguraduhing mawalan ng kaso ng Covid-19 at masiguradong ligtas ang lahat ng mga mamamayan nito laban dito.

Samantala ang mga ayuda tulad ng bigas, vitamins at iba pa ay handa na upang maipamahagi sa lahat.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa ating Lungsod ay nais pong paulit ulit na paalalahanan ang lahat na mag ingat. Hiling namin ang inyong palaging kaligtasan kaya sana’y patuloy at mas paigtingin natin ang pagsunod sa mga health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at faceshield, palaging paghuhugas ng kamay o pag gamit nang alcohol at ang social distancing.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pakikiisa. Malalagpasan din natin ito, manalig lamang tayo palagi sa Amang Lumikha ng lahat.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan

Credit to the owners of the photos