Para sa  ikagaganda ng ating lungsod, binuksan at binasbasan ngayong araw, Hunyo 10, 2021 ang Matingkis-Palusapis Small Reservoir Impounding, Inc. Office,  Matingkis Eco-Park at Pavillion sa Barangay Matingkis, Science City of Muñoz. Ang Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ay patuloy ang pagsasagawa ng proyektong pang kapaligiran na sumusuporta sa turismo pati na rin sa sining, agham at teknolohiya upang  mapaganda at mapaunlad ang ating mahal na lungsod.

Ang simpleng programa ay dinaluhan nina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., Coun. Jerry S. Fulgencio, Ms. Armi Alvarez, Engr. Armando Miranda, Kap. Elizabeth S. Aban at iba pa.

Amin pong muli at paulit-ulit na pinapaalalahanan ang lahat na sumunod sa ating health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield, social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay at pag gamit ng alcohol. Nais po naming masilayan ang inyong magagandang mga ngiti ngunit mas prayoridad namin ang inyong kaligtasan.

Iba ang ganda ng Muñoz!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan