Ang Matingkis Mini Dam and Eco Park or mas kilala sa tawag na “Pavillion” ay matatagpuan sa Barangay Matingkis, Science City of Munoz, Nueva Ecija. Ito ay kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos sa panguguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at Engr. Armando E. Miranda, City Engineer ng Pamahalaang Lokal ng Science City of Munoz. Patok sa mga mahilig mamasyal ang mga ganitong klaseng tourist attraction lalo na ngayong sumasailalim ito sa beautification project. Kabilang sa improvement ng nasabing lugar ang pag lalagay ng solar lights, hanging bridge, picnic area at landscaping. Magkakaroon din dito ng kayaking.

Nakilala ang lungsod sa turismo sa pagiging pangalawang Science City sa buong mundo dahil sa mga institusyon ng agham na nakatayo dito gaya ng Philippine Carabao Center, PhilRice, Central Luzon State University, BFAR, PhilMech at marami pang iba. Liban sa mga nasabing institusyon, pinapalawig pa ni Mayor Alvarez ang turismo sa pagpapatayo ng mga parke at iba pang atraksyon.