Binisita ni Mayor Nestor L. Alvarez, PhD ang operasyon ng Business One Stop Shop (BOSS) kahapon January 12, 2020 upang siguruhing maayos ang proseso at serbisyo ng pag-apply o magpabago ng prangkisa ng mga negosyo.

Naniniwala ang Punong Lungsod na ang mga negosyante sa ating lungsod ay maituturing na mga bayani dahil malaki ang naitutulong ng kanilang mga buwis upang lalo pang umunlad ang ating siyudad.

Malaking bagay ang pagkakaroon ng Business One Stop Shop (BOSS) lalo na sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at susubok pasukin ang pagnenegosyo.